Wakayama International Exchange Center          
  JAPANESE ENGLISH 中文  
 

Wakayama culture International Section

Wakayama international exchange society

WAKAYAMA in the World

Katanungan

Wakayama CIR Website
 
 
Gabay ng Pasilidad
 


Wakayama Prefecture International Exchange Center 8th floor
Wakayama Prefecture Citizen Exchange Plaza sa Wakayama Big Ai Building Tebira 2-1-2
Wakayama City 640-8319
Telepono: 073(435)5240 Fax: 073(435)5243

Oras ng operasyon: 10:00~18:30
Sarado:Tuwing Miyerkules, pista opisyal (kung ang pista opisyal ay natapat sa Linggo, kami ay bukas ng Linggo ngunit sarado sa susunod na Lunes), at bakasyon sa bagong taon mula sa Disyembre 29 hanggang Enero 3.


Wakayama international exchange center



  Aklatan

Mayroong 6,289 na libro na may impormasyon tungkol sa ibang bansa, wika, pag-aaral sa ibang bansa, mga pandaigdigang kooperasyon at iba pa.
(Ang mga taong nakatira, nagtatrabaho o nag-aaral sa Wakayama Prefecture ay maaaring manghiram ng libro. Ipakita lamang ang iyong ID.)

Aklatan



  Exchange Lounge

Ipinapalabas maghapon sa telebisyon ang BS Broadcast sa lounge.
Matatagpuan ang mga pamphlet tungkol sa pagliliwaliw sa Wakayama Prefecture at ang mga flyer para sa mga kaganapan ng mga grupo para sa international exchange ay maaari ding matagpuan dito.
Naka-display rin dito ang mga bagay na katutubong sining mula sa iba't ibang bansa.

※Gabay sa Aklatan
Exchange Lounge



  Boluntaryo・Group Salon


Malayang gamitin ng mga boluntaryo at miyembro ng international exchange group ang lugar.
Maaaring gamitin ang computer, copier, at iba pang gamit sa opisina.
Boluntaryo・Group Salon



  Pamplet at Flyer Corner


Flyer para sa mga kaganapan tungkol sa international exchange at pamphlet ng Wakayama Prefecture na nakasulat sa iba't-ibang wika ay nakalagay dito.
Maaaring kumuha ng libreng kopya.
Pamplet at Flyer Corner



  Circle Room


Ang kuwartong ito ay para sa iba’t-ibang layunin kagaya ng mga pulong o pag-aaral sa pamamagitan ng internationally oriented na mga organisasyon o mga samahan sa Wakayama Prefecture.
Ang kuwartong ito ay mauupuan ng 35 na tao.
Walang bayad para sa paggamit ng silid ngunit ang reserbasyon ay kinakailangan.

Circle Room



  Information Board

Nakapaskel ang iba’t-ibang impormasyon kagaya ng kinakailangan ng kapareha sa pag-aaral ng iba't-ibang wika, kinakailangan ng miyembro sa iba’t-ibang grupo, impormasyon tungkol sa mga kaganapan na tinataguyod ng Wakayama International Exchange Center, atbp.
Ang board ay maaaring gamitin ng sinuman kahit na hindi kasapi ng anumang grupo.
 



Wakayama Prefecture International Exchange Center 8th Floor
Wakayama Prefecture Citizen Exchange Plaza at the Wakayama Big Ai Building Tebira2-1-2 Wakayama City 640-8319
TEL:073-435-5240 FAX:073-435-5243
 
COPYRIGHT(C) 2007 Wakayama International Exchange Center All Rights Reserved.